Kinondena ni Senador Risa Hontiveros ang pagpatay umano sa isang college student na si John Matthew Salilig. 

"I condemn in the strongest terms the gruesome killing of Adamson University student John Matthew Salilig.  I am one with John Matthew's family, and the entire Adamson community, in seeking justice for his untimely death," ayon sa pahayag ng senador nitong Miyerkules, Marso 1.

Aniya, wala raw lugar ang hazing dito sa bansa. Matatandaang hazing ang sinasabing dahilan ng pagkamatay ni Salilig.

"No ifs and buts - hazing has no place in our society.  The full extent of existing laws like the Anti-Hazing Act should be brought down on all who participated in John Matthew's killing, including those who had knowledge of the crime," pahayag ni Hontiveros.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

"Dapat panagutin silang mga walang awang pumatay kay John Matthew at nagbaon sa kanyang bangkay pagkatapos ang napabalitang initiation rites.  While exclusive organizations like fraternities and sororities are not illegal and many of their members are law-abiding citizens, we should never tolerate nor justify violence and criminality.

"Too many Filipinos have suffered from hazing and other forms of violence. We should proactively implement the Anti-Hazing Law and other regulations so that we can ensure that our schools and universities  will not be havens for hazing and other forms of violent and regressive activities," lahad pa ng senadora.

Natagpuang patay ang mahigit isang linggo nang nawawalang college student mula sa Adamson University nitong Martes, Pebrero 28, sa Barangay Malagasang, Imus, Cavite, na hinihinalang biktima ng hazing.

Nakita umano ng mga pulis ang bangkay ng 24-anyos third year Chemical Engineering studentsa bakanteng lote sa likod ng isang subdibisyon sa nabanggit na lugar.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/02/28/nawawalang-college-student-natagpuang-patay-dahil-sa-hinihinalang-hazing/