Nakiusap ang direktor ng "Martyr or Murderer" na si Darryl Yap na panoorin din ng publiko ang dalawang pelikulang katapat nila sa takilya ngayon---ang "Ako Si Ninoy" ni Atty. Vince Tañada at "Oras De Peligro" ni Direk Joel Lamangan.

Ngayong Miyerkules, Marso 1, parehong nagsabong sa mga sinehan ang mga pelikula nina Yap at Lamangan; nauna lamang nang kaunti ang ASN.

Mungkahi ni Yap, panoorin ng lahat ang tatlong pelikula at saka gumawa ng isang tapat na review. Binakbakan din ng direktor ang isang moviegoer na nagbigay ng review sa tatlong pelikula na pare-pareho ang ratings.

"Mga Kababayan."

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

"Nakikiusap ako, panoorin n'yo rin ang 2 pelikulang sinubukang tumapat sa #MARTYRorMURDERER para malaman n'yo kung gaano kawalang kredibilidad ang Movie Reviews ng taong ito," ani Yap.

"Sa pakunwaring scoresheet ng panggap na ito, pare-parehas lang ang score ng tatlong pelikula… dapat ba itong ikatuwa? Hindi. Dahil damang-dama mo ang kaplastikan."

"Kahit panoorin mo lang yung certified flop—tapos ibangga mo sa mga sinasabi niya—malalaman mong sinungaling at may ibang natatagong agenda…"

"Mag-iimbento pa 'yan na kesyo may nambabash daw sa kaniyang pinks, ginagawa n'ya tayong tanga siya."

"Pakiusap."

"Panoorin nyo yung Flop, tapos basahin nyo ang reviews nya, yan lang ang paraan para malaman nyong huwad, panggap at walang dunong sa pagrereview ang feeling na ‘to."

"Reviewhin nyo ang mga reviews nya…"

"Pakawala lang siya ng isang grupo o produksyon na walang ibang nais kundi palabasin na kwento lang nila ang may kwenta, kahit napakapangit ng huling nilang project sa isang streaming platform."

"Mag-ingat sa mga Walang prinsipyong walang karapatang magreview," ani Yap.

Hindi naman natukoy ang pagkakakilanlan ng lalaking binabanatan ng direktor.