Isang lalaking wanted sa pagpatay sa kanyang live-in partner ang inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) Payatas Bagong Silangan (PS 13) sa Quezon City noong Linggo, Pebrero 26, matapos ang pitong taong pagtatago.

Kinilala ang suspek na si Victorino Mira, 43, tubong Pagadian at residente ng Brgy. Payatas. Quezon City. Nakroner siya sa Fatima St., Brgy. Payatas, Quezon City alas-10:20 ng gabi.

Isang serye ng joint manhunt operations ang isinagawa ng mga miyembro ng QCPD PS 13, Provincial Mobile Force Company (PMFC), Zamboanga Sibugay Provincial Police Office (ZSBPPO), at Southern District Intelligence Team (SDIT)-Regional Intelligence Unit NCR para mahanap ang wanted na suspek. .

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay nakalista bilang No. 1 Most Wanted Person ng QCPD.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Si Mira ay may nakabinbing warrant of arrest para sa pagpatay na inisyu noong 2016 ni Hon. Josefino P. Bael, ang presiding judge ng Regional Trial Court (RTC), Branch 31- Imelda Zamboanga Sibugay.

Sinabi ng PS13 na sinabihan sila ng suspek na aksidente niyang nasaksak ang kanyang live-in partner sa kanilang tahanan sa Payao, Zamboanga Sibugay noong 2016.

Matapos gawin ang krimen, tumakas siya sa bayan at nagsimulang magtago sa Metro Manila ng halos pitong taon.

Ayon kay PS13 Staff Sgt. Charlito Benemili, nakikipagtalo ang suspek sa biyenan ng biktima nang mangyari ang pananaksak.

“Nang makakita po ng pagkakataon, sasaksakin po sana yung biyenan pero hinarangan ng kinakasama,” ani Benemili.

Namatay ang biktima matapos saksakin sa dibdib.

Sinabi ng pulisya na walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Diann Ivy C. Calucin