Isang lalaki sa Los Angeles, California ang nagdo-donate ng kaniyang “sperm” bilang pagtulong umano sa mga hindi magkaanak. Dahil dito, tatay na raw siya ng 70 supling mula sa iba’t ibang dako ng mundo.
Sa ulat ng Opoyi, ang nasabing donor daw ay ang 31-anyos na accountant na si Kyle Gordy. Nakapag-donate na raw siya ng sperm sa mahigit 150 pamilya sa buong mundo. Nakita na rin umano niya ang 11 mga batang matatawag niyang anak.
“I enjoy helping people and seeing the kids grow up and seeing them happy – that’s probably the best thing about it. 61 have been born and nine are on the way, but there may be one more that might be pregnant, so there’s around 70,” ani Gory sa ulat ng Opoyi.
“It’s completely free. I just volunteer – charity work I guess you could say. I don’t have a number that I’d like to get to; just whoever needs help. When people don’t need my help anymore, I’ll stop, but sometimes I travel so it hinders me from donating as much,” dagdag nito.
Taong 2014 nang unang masubukan umano ni Gordy na mag-donate ng kaniyang sperm. Ginawa umano niya ito bilang tulong sa isang lesbian couple.
“Relationships weren’t working out and I wanted to help someone out that I knew. It came up in conversation, she said she was going to go to a sperm bank and I suggested she could get pregnant through me,” saad ni Gordy.
Matapos maging tagumpay ang pagbubuntis at panganganak nito, nagtuloy-tuloy na raw ang pagdo-donate ni Gordy na tinuturing niyang ‘charity work’.
Pinadadalhan daw siya ng mga babae ng mensahe sa website na ginawa niya para humingi ng tulong hinggil dito.
Sa ulat naman ng GMA News Feed, marami raw ang nagsasabi na maaaring maging dahilan ng hindi sinasadyang “incest” ang ginagawa ni Gordy.
Ngunit depensa niya, mayroon naman daw silang group chat kasama ang mga magulang na natulungan niya. Doon ay regular daw na nagpapadala ang mga ito ng larawan ng kanilang anak, kaya’t alam ng mga ito ang mga mukha ng supling na anak ni Gordy.