Kabilang sa listahan ng K-pop fans sina NCT member Mark Lee, Treasure leader Choi Hyun-suk, ONEUS member Leedo hanggang kay SEVENTEEN leader Choi Seungcheol na anila’y papasok na peg ni KZ Tandingan sa buhok.

Sabog ang ilang social media platform, lalo na sa Twitter, kasunod ng nakakaaliw na interaksyon ng K-pop fans sa newest The Voice Kids Philippines host.

View this post on Instagram

A post shared by KZ (@kztandingan)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dahil kasi sa kulay ng buhok ng tinaguriang “Vocal Supreme,” kaliwa’t kanang K-pop stars ang naihambing sa soul singer.

Kabilang na rito ang nauna nang member ng NCT na si Mark Lee kasunod ng isang viral Facebook post kamakailan.

Dati na rin kasing peg ng naturang K-pop idol ang blue-hair na kilalang patok sa madalas na makulay na hairstyle sa Hallyu.

https://twitter.com/KZofficial/status/1629793071369183232

Hindi rin nakalagpas sa fans ang anila’y kaya ring i-peg ni KZ na isa pang K-pop powerhouse, ang Treasure leader na si Choi-Hyunsuk.

https://twitter.com/KZofficial/status/1629785803265277952

Mababasa pa sa serye ng Kapamilya singer ang nakakaaliw na paghingi na niya ng oras para personal na ma-check ang mga nabanggit na K-pop stars ng fans.

https://twitter.com/KZofficial/status/1629791429299175424

https://twitter.com/KZofficial/status/1630186962350125056

Dagdag pa sa listahan ng fans sina Leedo ng ONEUS at SEVENTEEN leader Choi Seungcheol.

Samantala, bago ang naging pilot weekend airing ng The Voice Kids PH kamakailan, ipinahaya ni KZ na isang karangalan ang mapabilang sa linya nina Martin Nievera at Bamboo bilang coaches ng patok na singing reality show.

Bininyagan naman bilang “Team Supreme” ang pangalan ng bagong team ni KZ sa naturang show.