Namaalam na sa programa ang batikang reporter at host ng “Unang Hirit” na si Connie Sison matapos ang labintatlong taon.

Ito ang sabay-sabay na anunsyo ng Kapuso morning show ngayong Martes, Peb. 28, kasabay ng pamamaalam at pagpapasalamat ng programa sa mahigit isang dekadang serbisyo ng batikang reporter.

Pamilya at kalusugan ang prayoridad ngayon ni Sison dahilan ng kaniya nang pagkalas sa programa.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

"Nagpasya po ako at ang pamilya ko na magretiro na para maalagaan ang aking kalusugan at siyempre, ang aking bunso na talaga naman matagal na nagre-request,"anang reporter na una nang ibinahagi ang mga karamdamang appendicitis at hypothyroidism habang nasa trabaho.

Gayunpaman, lagare pa rin sa GMA News and Public Affairs si Sison na mapapanoud at mapakikinggan pa rin sa mga programang “Balitanghali,” sa DZBB at sa payong medikal na programang “Pinoy MD.”

Pasasalamat at pawang pagpupugay lang ng UH barkada ang handog kay Sison.

Samantala, sa isang Facebook post, tila nawindang naman ang ilang netizens matapos hindi umano malinaw na naipaliwanag ang pamamaalam ni Sison, dahilan para akalain nilang pumanaw na ang mamamahayag.

“Di naman detalyado ang caption. Kala ko RIP na naman,” reaksyon ng isang netizen sa pamamaalam ng UH sa batikang host.

“Kala ko ano na nangyari bakit salamat po aalis na po kayo sa UH,” sey ng isa pa.

“Magkocondolence na sana ako! 🤣GMA7 writer umayos ka ha baka mabatukan kita ok! 😁😁

“Should i say "happy brthday" or "my condolences"? hahaha ayusin kasi ang caption!:

“Jusmiyo...Akala ko Naman kung napaano na si Ms Connie sison😂

“Kinabahan.naman ako sa..bungad nyo😬😁😁happy bday.po”

“Palitan ang caption!” paghikayat na ng isa pang netizen sa social media manager ng page.

“Kala ko pa nman namaalam na lumisan ayusin nyo caption,” hirit ng isa pa.

“Akala ko namatay na gara kasi ng caption! 🤣🤣

“What happened to Ms. Connie Sison? Very confusing the news!”

“Kung sino man gumawa nito... Ay palitan nyo na writer nyo or nag manage ng page nyo... Di nakakatuwa!”

Sa pag-uulat, wala pang paglilinaw ang page sa naidulot na kalituhan online.