Hindi bilang isa sa mga boss ng ABS-CBN kundi isang batikang aktor ang iflinex lang naman ni Charo Santos sa kaniyang pagganap sa ginagampanang karakter sa "FPJ’s Batang Quiapo."

Ito’y matapos ang acting kung acting na bardagulan ni Charo kasama si Cherry Pie Picache sa patok na primetime program ng Kapamilya Network.

Sa viral nang post ng isang fan page, puring-puri ng netizens ang pag-arte ng batikang aktres na anila’y nanlalamon kung hindi masasabayan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1630187411375534082

“The versatility of Ms. Charo Santos-Concio SHUTANGINA 😭😭😭#FPJBQKaguluhan,” mababasa sa tweet ng nasabing Twitter page.

Dito, makikita ang eksena kung saan pinipilit ng karakter ni Cherry Pie ang karakter ni Charo na lumuhod sa isa pang karakter na tinawag na "Roda" para maisalba ng puwesto ng kanilang tindahan sa Quiapo.

Mata sa mata school of acting, at ang effortless na pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Charo ang mabilis na napansin ng netizens na anila'y mga bakas ng mahusay na pag-arte ng aktres sa harap ng kamaera.

“Artista is artista yan ang mga tunay na artista. Wala arte, wala ere sa ulo. Iba ka talaga Madam Charo Santos Concio. Bravo!!!!!!!!” sey ng isang netizen sa performance ni Charo.

Kung wala sa harap ng kamera, ang aktres ay kasalukuyan ding nagsisilbing chief content officer at president ng ABS-CBN University.

“Ang galing ng transition ng emotions ni Ms. Charo. Nangangain ng co stars. It's either makakasabay ka or tatabi ka na lang,” segunda ng isa pa.

Hirit naman ng isa pang netizen, si Chery Pie aniya ang kumabog sa naturang scene.

“Sorry but cherry pie picache was the star of this scene!!!!”

“Grabe ang galing nag iisa tlaga si Ms Charo!” dagdag na reaksyon pa ng isa pang Twitter account sa usap-usapang scene.

Ginagampanan ni Charo ang karakter ni Lola Tindeng habang isang “Marites” naman ang isinasabuhay ni Cherry Pie sa serye.

Ang naturang post ay umabot na sa mahigit 423,000 views sa pag-uulat.