Naging matagumpay ang premiere night ng pelikulang "Martyr or Murderer" o MOM kagabi ng Pebrero 27, 2023 sa "The Block" ng SM North EDSA.

Bukas ng Miyerkules, Marso 1, mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang pangalawang installment ng "Maid in Malacañang."

Naging emosyunal daw ang mga nanood sa pelikula at naging kontrobersyal din ang ilang twists.

Bukod kasi kay Eula Valdez na sigurado nang gaganap na Senadora Imee Marcos sa present time, ikinagulat ng lahat ang paglitaw sa malaking screen ng aktor na si Aga Muhlach, na siya raw gaganap na Pangulong Bongbong Marcos, sa ikatlong installment ng pelikula, ang "Mabuhay Aloha Mabuhay."

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Kaya naman, agad na nag-trending ang pangalan ni Aga.

Sey ng mga netizen, may panibago na namang ika-cancel ang mga "Kakampink" o tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo.

Sa kaniyang Facebook post, nag-post ng hashtags na #PROTECTBBM #BongbongMUHLACH si Yap.