Napa-second look at "kinabahan" ang mga netizen sa isang litrato ng komedyanteng si "Dagul" o si Romeo Queddeng Pastrana sa tunay na buhay, na naka-upload sa isang Facebook page.
Makikita kasing naka-black and white ang litrato ni Dagul at nakasulat dito ang kaniyang buong pangalan.
Sa ibaba ng pangalan, nakalagay ang edad nitong "63."
"Romeo 'Dagul' Pastrana, kilala bilang isang Filipino actor, comedian, at host sa isang sikat na TV program na Goin' Bulilit. Nakakagulat na isipin na sa edad na 63, Kaninang 8:45am natagpuan na 83 ang kaniyang score sa videoke," saad sa caption.
Nakalagay na ang gumawa ng pubmat ay "Pormadong Pinoy Lifestyle."
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Grabe amputek! Hahaha clickbait."
"Busssettt hahaha… akala namin napano na hahaha love you dagul."
"Dapat mga ganitong page ang inirereport, hindi nakakatuwa."
"SUSULAT SANA AKO NG CONDOLENCE… PATAWAD PANGINOON SA ISIP KUNG MARUPOK."
"Think before you post… sa ginagawa n'yo you're giving a negative instinct sa social media… Hays… kawawa yung taong ginaganyan n'yo… lalo na sa pamilya n'ya…"
"Buti na lang nagbasa muna ako hehehe, misleading yung photo."
Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang taong nasa likod ng Facebook page na "Rakista Days."
"Reply to all comments."
"Unang-una po hindi ako ang creator ng post na ito dahil viral na," paglilinaw nito.
"Kinuha ko lang ang picture at cinopy paste ang caption dahil natawa nga ako sa post, at akala ko naman ang iba eh matatawa rin, naalala ko na ang followers nga pala ng page ko na ito is mga sensitive dahil mostly lahat ng nandito ay pinanganak ng
70's to 90's."
"Sorry for this mga karakista pero marami rin kasing napatawa ang post (Base on Reactions) kaya I think iki-keep ko to, I think kahit si Dagul tatawanan lang 'to. Thanks!"
Giit pa niya, "Walang fake news jan kung babasahin n'yo ang caption."
Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Dagul tungkol dito.