Naglunsad na ng search and rescue operation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nawawalang Taiwanese fishing vessel na sakay ang anim na mangingisda sa karagatang sakop ng Eastern Visayas at Bicol region.

Ito ay tugon ng PCG sa kahilingan ni Taiwan Coast Guard Attaché, Commander Arthur Yang kaugnay sa insidente.

Sinabi ng PCG, huling nakita ang barkong Sheng Feng No. 128 414 nautical miles hilagangn kanluran ng Palau nitong Pebrero 17, sakay ang isang Taiwanese at limang Indonesian.

Idinagdag pa ng PCG, pinalipad na rin nila ang Cessna Caravan 2081 sa bisinidad ng karagatang saklaw ng Eastern Visayas at Bicol upang magsagawa ng aerial surveillance sa posibilidad na matagpuan ang nasabing barko.

Bukod sa PCG, tumutulong din sa operasyon ang dalawang sasakyang-panghimpapawid ng U.S. Coast Guard (USCG), walong Taiwanese fishing vessel at dalawang barko ng Taiwan CG.