Isang pasahero ang nag-post sa social media kung saan ibinahagi niya ang paskil na paalala ng jeepney driver sa mga commuters na nagwa-123 o hindi nagbabayad sa tuwing sasakay.
Makikita sa isang Facebook group na Homepaslupa Buddies 3.0 ang post ni Cholo Dantes na may caption na, “Bigat at lalim,” at mababasa sa larawan na, “Alam ng katabi mo at kaharap mo na hindi kapa bayad. Pero hindi driver ang maniningil sayo kundi ang panahon!"
Aniya, dahil sa hirap kumita ngayon sa taas ng mga bilihin at gas ay huwag din naman mang-abuso ang ilan sa mga nagttrabaho nang maayos katulad ng mga jeepney drivers.
Umani naman ito ng ilang komento mula netizens:
"Sumakay ka lang ng jeep nagbago na agad ung pananaw mo sa buhay."
"Si manong naman hindi na mabiro. Social experiment lang naman kung ano feeling mag 123 eh."
"Sa sobrang boring ng buhay ko alam ko ung mga nakakasabay kong hindi nag babayad sa jeep"
"Dumarami na raw kasi ang Hudas not pay."
"Magbabayad na po."
"Ayoko na mag123"
"Alam din ng katabi at kaharap ko na wala pa yung sukli ko. Kuya please, introvert ako eh."
"Tingnan nalang natin kung mag 123 kapa nyan"
—
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!