Tumataginting na mahigit ₱73.4-milyon jackpot prize ang napanalunan ng retired seaman mula sa Negros Occidental sa Mega Lotto 6/45 noong Pebrero 1. Salamat na lamang daw sa winning combination na nakuha niya sa pamamagitan ng ‘bingo’.

Sa panayam panayam ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ibinahagi ng retired seaman na 20-taon na siyang mananaya ng lotto at dalawang taon na raw niyang inaalagaan ang mga numerong nakuha niya sa bingo na 37, 29, 42, 21, 27 at 05.

“Naisipan ko po dati na kunin ang mga numbers sa bingo. Ang ginawa ko po ay inilagay ko po sa isang bote ‘yung number 1 to 45 saka po ako kumuha ng anim na numero at ‘yun po ang palagi kong tinatayaan na sa lotto.” kuwento ng lucky winner.

“Salamat naman sa Diyos at natsambahan ko din,” saad niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Matapos makuha ang pinanalunan, plano raw ng retired seaman na palakihin ang kaniyang maliit na sari-sari store at magtayo rin ng sariling business sa kanilang probinsya.

Bukod sa negosyo, magtatabi rin daw siya para sa kinabukasan ng kaniyang pamilya.

“Ilalagay ko sa bangko ‘yung matitira para sa pamilya ko. Minsan lang mangyari ito kaya dapat ingatan ang pera para di maubos agad. Mahirap po maging mahirap,” aniya.