Tatangkain ng Gilas Pilipinas na pataubin muli ang Jordan sa paghaharap ng mga ito sa 6th window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ngayong Lunes ng gabi.
Hangad ng National team na maulit ang kanilang panalo sa 5th window saPrince Hamza Hall sa Ammannoong Nobyembre 10, 2022 kung saan sila naka-iskor ng 74 kontra sa 66 ng Jordan.
Kahit 'no-bearing' na ang laban dahil pareho na silang nakakuha ng World Cup spot, nais pa ring makuha ng Gilas ang panalo.
Kagagaling lamang ng Gilas Pilipinas sa panalo laban sa Lebanon, 107-96, nitong Biyernes.
Sa kasalukuyan, nasa ikatlong puwesto ang Gilas sa Group E, taglay ang 6-3 record habang nasa ikaapat naman ang Jordan sa barahang 5-4.
Nangunguna pa rin ang Lebanon hawak ang 7-2, panalo at talo kasunod ang New Zealand na may katulad na baraha.
Tiwala naman si Philippine team head coach Chot Reyes na mailalabas muli nila ang matinding depensa upang maiuwi ang panalo laban sa Jordan.
Ipaparada ng Jordan si CanadiaFreddy Ibrahim, kasama si naturalized player Dar Tucker.
Pangungunahan naman ni naturalized player Justin Brownlee ang Philippine team.
Kasama niya sa koponan sinaScottie Thompson, Dwight Ramos, Jamie Malonzo, CJ Perez, Bobby Ray Parks, Jordan Heading, Kiefer at Thirdy Ravena, Mason Amos, June Mar Fajardo at Kevin Quiambao.