Hindi naging perfect ang tradisyonal na grand entrance ng Kapuso actress na si Jillian Ward para sa kaniyang debut last Saturday night sa Okada Manila.

Sa ibinahaging video ng Philippine Entertainment Portal o PEP sa TikTok, mukhang nahirapan si Jillian bumaba sa napakataas na hagdanan suot ang galaxy-themed ball gown na likha ng Filipino fashion designer na si Mak Tumang. Ang nabanggit na designer rin ang gumawa ng Mayon gown at Ibong Adarna gown na isinuot ni Catriona Gray sa pagkapanalo niya noon sa Miss Universe 2018.

Ang siste, dahil sa pagka-balloon ng gown, hindi maayos na naihakbang ni Jillian sa baitang ng hagdanan ang kaniyang mga paa dahilan para ma-out of balance ito. To the rescue naman agad-agad ang mga staff ng debut organizer. In fairness, all smiles and poise pa rin si Jillian habang nakaalalay ang mga ito mula taas hanggang pagbaba ng aktres. Of course for safety na rin ni Jillian.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Pero kakaiba ang concept ng debut kaya nakabawi ito sa pambungad na pa-concert ni Jillian after ng kaniyang grand entrance sa pag-awit ng "Queen of the Night" ni Whitney Houston. Dahil diyan, sabay-sabay naghiyawan ang mga tao at nagpalakpakan. Bukod doon, inawit din ni Jillian ang "Girl on Fire" ni Alicia Keys. Nagpamalas din siya ng galing sa pagsayaw sa saliw ng "Crazy in Love" ni Beyonce.

Naiyak naman si Jillian nang maka-last dance niya ang kaniyang loving father na si Elson Penzon. For the whole occasion ng debut hindi nagpalit ng gown ang mahusay na aktres na karaniwang ginagawa ng debutante.

Present din sa debut ang cast ng dramaserye sa hapon ng GMA-7 na kung saan pinagbibidahan ni Jillian ang "Abot Kamay Na Pangarap" na pawang nagbigay ng kani-kanilang very touching na mensahe. Naroon din sina Sanya Lopez, Yasmien Kurdi, Gladys Reyes, Ciara Sotto, Ken Chan, QC Vice Mayor Gian Sotto, Senator Bong Revilla, Zephanie, Elijah Alejo, Prince Clemente, Althea Ablan, Nadia Montenegro at iba pa.

Maging ang mga GMA at Sparkle bosses ay naroon din gaya nila Mr. Joey Abacan Ms. Annette Gozon-Valdez at iba pa.

Samantala, sa IG story ni Jillian, umabot daw ng mahigit 800 ang dumalo sa kaniyang 18th birthday.

Kaya bongga pa rin talaga!