Matapos ang usap-usapang rebelasyon ng aktres na si Liza Soberano sa dahilan ng kaniyang pagtalikod sa career sa Pilipinas at paggawa ng mga bagay na hindi niya nagagawa noon, tila nagpasaring naman daw ang ilang heads ng ABS-CBN patungkol sa pagiging "grateful."
Si Liza ay sumikat sa ABS-CBN katambal si Enrique Gil, na di-naglaon ay naging real-life boyfriend niya. Kilala ang tambalan nila bilang "LizQuen" na isa sa A-list love team ng Kapamilya Network.
Nagpakawala umano ng tweets ang ilang Kapamilya heads kaugnay ng isyu, kagaya na lamang ni Star Music Head Roxy Liquigan.
"Be Grateful. Not just in good times, but at all times," sey ni Liquigan sa kaniyang tweet bandang hapon, Pebrero 26.
Nagsalita rin sa tweet si Mico del Rosario na Rise Artists Studio head at Star Creatives ad prom head. Ang Star Creatives ay production unit ng ABS-CBN na responsable sa pagpo-produce ng dalawang hit teleseryes ng LizQuen na "Forevermore" (2014) at "Dolce Amore" (2016).
“Hiyang-hiya naman ako sa statements. Parang walang-walang naambag sa'yo at all ah. Kayo talagang mga kayo. Hahahah,” aniya.
Nagbigay rin ng kaniyang pahayag ang dating ABS-CBN head writer na si Mark Duane Angos. Aniya, unawain na lamang daw sana ng kaniyang mga katrabaho ang naging pahayag ni Liza, dahil baka hindi lamang nito nagamit ang "right words."
"A friend asked me if I was hurt by Liza’s insinuation that we boxed her so hard that it drove her away from our industry. That’s a horrible take. What I got from the vlog was a person trying to figure herself out. To be fair, she’s only 'starting to dip her toes into writing,'" aniya.
"By the same token, she’s still trying to learn how to express herself better. So if she comes off hurtful to some of my colleagues, let’s be patient. She will be able to find the right words next time."
"So I wasn’t hurt. I’m actually more excited about what she will become. And I’m rooting for her with all my heart.
-love, from the writer who wrote all those teleserye episodes," aniya.
Wala pang pahayag ang mismong pamunuan ng Star Magic o ABS-CBN kaugnay ng isyung ito. Maging ang dating talent manager ni Liza na si Ogie Diaz ay wala pang sey tungkol sa mga panibagong pasabog ni Liza.