Tila tinalakan muli ni P3PWD Party-list nominee Rowena Guanzon ang mga nagsasabing ‘failure’ daw ang People Power Revolution na ginunita noong Sabado, Pebrero 25.

Sa Twitter post ni Guanzon, sinabi niya na hindi ang people revolution ang kabiguan, kundi ang 31-milyon umanong bumoto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang eleksyon.

“People Power was not a failure. You 31M pulangaw ang failure. You are proof of the failure of our education system and electoral system. #PeoplePower,” tweet ni Guanzon.

Bago ang naturang tweet, tinuya rin ni Guanzon ang mga salungat sa People Power Revolution at sinabing hindi raw sila kasali sa paggunita nito.

“Mga pulangaw, inggit kayo no? Wala kayong People Power celebration. Hindi kayo kasali. You have no place in history. Nada. #PeoplePower,” pahayag ni Guanzon.

Ayon din kay Guanzon, magpasalamat dapat ang mga Pilipino sa People Power Revolution dahil kung hindi raw ito nangyari, “bankrupt to the 100th degree” na raw ngayon ang Pilipinas.

Kamakailan ay nagbigay rin ng pahayag si Guanzon hinggil sa pagbubura umano ng katotohanan hinggil sa EDSA People Power sa kasaysayan.

BASAHIN: Guanzon: ‘You cannot erase EDSA People Power from our nation’s history’

Napatalsik sa pwesto si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. noong Pebrero 25, 1986 matapos magmartsa ang libo-libong mga Pilipino sa EDSA. Siya ang ama ng kasalukuyang pangulo ng Pilipinas.