Isang cargo vessel ang sumadsad sa Lubang Island sa Occidental Mindoro nitong Linggo ng gabi kung saan agad na nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 na tripulante nito.

Paliwanag ni Capt. Eddyson Abanilla, station commander ng coast guard sa nasabing lalawigan, nakalapit lamang sila sa MV Manfel V na 110 metro lamang ang layo mula sa dalampasigan dakong 6:30 ng umaga.

Nitong Sabado ng umaga, pumalya umano ang makina ng barko sa bahagi ng Fortune Island sa Nasugbu habang patungo ito sa Bauan, Batangas mula Subic, Zambales.

Tinangay ito ng malalaking alon patungong Lubang Island nitong Linggo ng gabi.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binabantayan pa ng Coast Guard ang barko sa posibilidad na tumagas ang dalang halos 2,000 litrong fuel.

Inaalam pa ng PCG kung malaki ang naging pinsala sa bahura ng naturang barko.