Binalaan ng Maynila Water Services, Inc. ang publiko sa inaasahang ilang araw na pagkawala ng suplay ng tubig sa malaking bahagi ng Maynila.

Sa abiso ng Maynilad, kinakailangan nilang makumpini ang malaking butas ng tubo nito sa panulukan ng Osmeña Highway at Zobel Roxas Street sa Maynila sa mga susunod na araw.

Binanggit ng kumpanya na aabot sa 20 hanggang 20 milyong litro ng tubig ang nasasayang sa kanila kada araw dahil sa nadiskubreng tagas.

Paliwanag ng water concessionaire, nadiskubre ang leak sa isinagawang routine pipe network inspections, gamit ang leak detection equipment.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

“We were able to pinpoint the location of the leak from above ground. Based on our initial assessment, the leak appears to be coming from a 2,200 mm-diameter primary line, which is located seven meters underground,” sabi niMaynilad supply operations headRonaldo Padua nitong Linggo.

Philippine News Agency