Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang rehiyon ng New Britain sa Papua New Guinea nitong Linggo ng umaga, Pebrero 26, ayon sa United States Geological Survey (USGS), ngunit walang naitalang tsunami warning ang mga awtoridad.

Sa ulat ng Agence France Presse, naramdaman umano ang lindol na may lalim na 38-kilometro sa Walindi Plantation Resort malapit sa lungsod ng Kimbe, mga 80 kilometro ang layo sa pinangyarihan ng pagyanig.

Samantala, sinabi naman ng nagtatrabaho sa naturang resort na hindi naman daw ganoon kalala ang naramdaman nilang pagyanig.

“No one really reacted, it shook, but no damage,” aniya sa AFP.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Inanunsyo rin kaninang umaga ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang magiging banta ng tsunami sa Pilipinas ang nangyaring pagyanig sa Papua New Guinea.