Marami ang natuwa sa post ni Christian Joseph Laña, 21-anyos na estudyante ng Iloilo Science and Technology University, tampok ang kanilang cute na cute na "Pest Control Officer" na isang pusa.

Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Laña na dating stray cat ang pest control officer nilang si "Tanjie".

"Stray cat po si Tanjie tapos palagi po siya sa tapat ng Safety, Security, Environment and Disaster Mitigation Management Office," kuwento ni Laña.

"The university said Tanjie [eventually] became a pest control officer because they saw Tanjie roving the university and catching some mice," dagdag nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nitong nakaraang linggo raw nang mapagpasyahan ng unibersidad na tuluyan nang kupkupin si Tanjie at gawing certified Pest Control Officer matapos mamasdan ang paghuli nito ng mga daga sa kanilang mga silid-aralan.

May budget din daw ang unibersidad para sa food ng cute nilang officer.

Napagpasyahan naman daw ni Laña na kuhanan ng mga larawan si Tanjie para subukin kung totoo ang sabi-sabi ng ibang estudyante na suplado ito.

"Suplado daw si Tanjie so I was curious about him. Isang umaga, nakita ko si Tanjie, nakaupo sa Office chair kaya kinuhanan ko ng litrato tapos hinimas ko ang kaniyang ulo. Bumaba siya sa upuan tapos ayun po, I was so amazed dahil noong tinutok ko 'yung camera ko sa kaniya, nagpa-cute po siya," ani Laña.

Dahil sa ka-cute-an ni Tanjie ay hindi na raw nagdalawang-isip si Laña na ipost ang mga larawan nito sa Facebook. Kinatuwaan naman ng netizens ang cute na Pest Control Officer ng unibersidad.

“Nagulat ako at na-amaze sa reaction ng mga netizen. ‘Di ko po in-expect na aabot po sa ganoon kataas na reacts ang post ko,” aniya.

Sa ngayon ay umani na ng mahigit 15,000 reactions, 800 comments, at 24,000 shares ang naturang post ni Laña.

“Purrfect meowdel po,” anang isang netizen.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!