Nasa₱27.3 milyong halaga ng puslit na asukal ang nakumpiska ng gobyerno sa magkakasunod na operasyon sa Maynila kamakailan, ayon sa pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Linggo.

Sa unang anti-smuggling operation ng DA-Inspectorate and Enforcement Division,Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Customs (BOC), DA-Bureau of Plant Industry (BPI), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila nitong Pebrero 6, aabot sa₱7.44 milyong halaga ng refined sugar ang nabisto sa tatlong container van.

Sa rekord ng kargamento, idineklarang naglalaman ng motorcycle spare parts ang tatlong container van na nakatakda sanang i-deliver sa Kanluran Consumer Goods Trading.

Nasamsam naman sa apat na container van ang₱9.92 milyong halaga ng puslit na puting asukal sa nasabi ring lugar nitong Pebrero 15.

Sa ikatlong operasyon nitong Pebrero 16, apat pang container van na may karga ring ₱9.92 milyong halaga ng asukal ang nabisto rin sa MICP.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Nakatakda nang kasuhan ng paglabag saRepublic Act No. 10611 (Food Safety Act of 2013) at Republic Act No. 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016) ang consignee ng kargamento.