Nagsalita na ang dating Kapamilya actress na si Liza Soberano tungkol sa matagal nang pinag-uusapang paglisan sa Star Magic, ABS-CBN, at pangangalaga ng kaniyang talent manager na si Ogie Diaz, sa latest vlog niya na may pamagat na "This is Me."

Mukhang pagod na si Liza sa mga "pressure" at "dikta" sa kaniya ng mga taong nakapalibot at nagsilbing tulay sa pag-angat ng kaniyang showbiz career simula noong teenager pa siya hanggang sa mag-20s na siya, kaya ang nais niyang gawin ngayon ay ang gusto niya talagang gawin.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Idinetalye ni Liza na simula pa noong nagsisimula pa lamang siya, marami nang bagay na oo na lamang siya nang oo at gumagalaw batay sa sinasabi sa kaniya ng iba, dahil may imahe siyang kailangang alagaan. Maging ang pagpili niya ng screen name na "Liza" mula sa tunay na pangalang "Hope Elizabeth Soberano" ay hindi raw niya choice.

Pakiramdam daw niya ay isa lamang siyang "bulaklak" sa isang tabi.

"I am 25 years old now and I think people forget that I've been working for 13 years now since I was 12 years old. And, I've been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres - romance, comedy and drama," paliwanag ni Liza.

"And since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company rotating around the same three directors," dagdag pa.

"And during all those years I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long and I finally started to explore a world of being able to create and tell my story and hopefully others," aniya pa.

Noong pandemya raw siya nakapag-isip-isip nang tunay niyang gustong gawin sa buhay.

Pinasalamatan niya ang bagong manager na si James Reid at ang team nito, dahil unang beses daw niyang naka-experience sa isang manager na tanungin siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay.

Sa kabilang banda, grateful pa rin siya sa anumang mga bagay na nagawa, nagkaroon, at napuntahan niya dahil sa pamamayagpag ng kaniyang showbiz career sa Pilipinas.

Sa ngayon, excited si Liza sa paggawa ng iba't ibang bagay na hindi niya nagagawa noon, gaya ng pagsusulat at pagdidirehe. Kailangan daw abangan ng kaniyang mga tagahanga ang kauna-unahan niyang directorial project.

Isa si Liza sa mga A-lister stars ng ABS-CBN, kasama ang reel at real-life boyfriend na si Enrique Gil. Kilala ang tambalan nila bilang "LizQuen."