Usap-usapan ang naging rebelasyon ng dating Kapamilya actress na si Liza Soberano hinggil sa matagal nang pinag-uusapang pag-alis niya sa poder ng talent manager na si Ogie Diaz, Star Magic, at ABS-CBN, at pagpirma naman ng kontrata sa kompanya ni James Reid na "Careless."

Pag-amin ni Liza, ito raw ang unang pagkakataong kikilos siya ayon sa kaniyang desisyon at gusto. Simula raw kasi noong teenager pa siya at pasukin niya ang showbiz, marami na siyang isinakripisyo sa sarili niya, at hinayaan niyang ibang tao ang nagmamando para sa kaniya.

Kahit nga raw ang pagpili niya sa sariling screen name, ibang tao pa ang pumili nito para sa kaniya. Ang tunay na pangalan niya ay "Hope Elizabeth Soberano."

Pakiramdam daw niya ay para lamang siyang "flower" o bulaklak na nasa isang tabi, at ni hindi man lamang daw hiningi ang kaniyang inputs o ideya sa mga proyektong pinaggagawa niya.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

"I am 25 years old now and I think people forget that I've been working for 13 years now since I was 12 years old. And, I've been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres - romance, comedy and drama," paliwanag ni Liza.

"And since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company rotating around the same three directors," dagdag pa.

"And during all those years I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long and I finally started to explore a world of being able to create and tell my story and hopefully others," aniya pa.

Si Liza ay sumikat nang husto sa ABS-CBN katambal ang kaniyang real boyfriend na si Enrique Gil, na nasa showbiz hiatus din ngayon. Bali-balitang lilipat na raw ito sa GMA Network at makakatambal sa isang serye si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, sa muli nitong pagbabalik-Primetime.

"I’m finally taking control of my life pursuing dreams that I’ve always had to hold off on," ani Liza.

“But what I know for sure is that for the first time, I’m finally living my life for me.

“I hope you understand that by doing so, by giving in to pressure of doing what everybody else wants for me, I am being unfair to myself.

“I’ve sacrificed my childhood, I’ve sacrificed my freedom, I’ve sacrificed my happiness to present Liza Soberano to the world and I think I’ve earned the right to finally be me, to finally be able to do things for me as Hope Soberano."

Sa Lunes, Pebrero 27, mapapanood na raw ng mga tao ang produkto ng unang pagdidirehe kaya excited na siyang ibalita ito sa lahat ng mga tagahanga.

Sa kabilang banda, nilinaw ni Liza na grateful pa rin siya sa lahat-lahat.

“This is not a story of bitterness or regret, in fact it's the opposite, it's a story about growth and gratitude.”

Pinasalamatan ni Liza ang lahat ng mga taong nakatrabaho, brands na naniwala sa kaniya, gayundin ang mga tagahanga.

Wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Ogie Diaz, ang Star Magic, o ang ABS-CBN tungkol dito.