Isang high-value target na drug personality ang natimbog ng pulisya matapos masamsaman ng mahigit sa ₱2.5 milyong halaga ng kush o high-grade marijuana sa buy-bust operation sa Quezon City kamakailan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Kinilala ni PDEA-National Capital Region (NCR) chief Emerson Rosales, ang suspek na si Silvino Francisco, Jr. III, 27, at taga-Caloocan City.

Kaagad siyang dinampot ng mga tauhan ng PDEA at Quezon City Police District-Station 3 sa ikinasang buy-bust operation sa Mindanao Avenue nitong Pebrero 24, dakong 6:10 ng gabi.

Nasa 1,700 gramo ng illegal drugs na aabot sa ₱2,550,000 ang nakumpiska sa suspek.

Narekober din kay Francisco ang marked money, iba't ibang identification (ID) card at isang motorsiklo na ginamit nito sa pagtutulak ng iligal na droga.

Metro

8 bagong electric buses na may CCTV, free Wi-Fi, aarangkada na sa QC

Pansamantalang nakakulong sa PDEA National Office ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).