Binigyan-payo ng internet celebrity na si Xian Gaza ang kabataan na huwag umano siyang tularan dahil natuto na siya sa kaniyang mga pagkukulang noon.

Kamakailan ay ibinunyag ng businessman na hindi sila nagkatuluyan ng dati niyang girlfriend dahil may ka-chat siya na 17-anyos na babae. Ipinagtapat din ni Gaza na hindi rin siya naging loyal sa kaniyang mga partner noon dahil mas bet niya ang mas bata.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Hindi kami nagkatuluyan ng ex ko kasi babaero ako at mahilig sa mas bata. One week after ipanganak yung daughter namin ay naghiwalay agad kami dahil may ka-chat akong 17 years old," saad ni Gaza sa kaniyang Facebook account.

Aniya, mas pinili niyang huwag ituloy ang commitment sa relasyon sa kaniyang dating partner dahil priority pa rin niya ang pagiging binata, sa halip na tanggapin ang responsibilidad bilang isang ama.

"Hindi ako naghabol sa kanya kasi mas priority ko pa ang pagiging binata kaysa magpaka-ama."

"Ang kaya ko lang ibigay sa anak ko ay malaking sustento at magandang kinabukasan. Gen Z boys, huwag niyo akong tularan. Masamang lalaki ako," anito

Nilinaw ni Xian na kaya niyang tustusan ang kaniyang anak sa pinansyal at ang magandang kinabukasan ngunit napagtanto niya ang pera ay hindi sapat upang mapalaki ang isang bata nang maayos.

"Huwag na huwag kayong mag-aanak kung hindi niyo kayang panindigan ang pagkakaroon ng isang buong pamilya dahil hindi sapat ang pera sa pagpapalaki ng bata," dagdag pa nito.