Hindi pinalampas ng GMA headwriter at ang lumikha ng fantasy-drama series na “Maria Clara at Ibarra” o MCAI na si Suzette Doctolero, ang isang basher na nagsabing toxic at mayabang umano ito.

Tweet ng basher na may username na @anne, “Toxic. Nilalagay sa ulo ang yabang. Baka maging last mo na ‘yan, baka langawin next time na obra mo, sige ka. Be humble.”

Diretsahan namang sinagot ni Suzette ang basher, “Lols grabe makamura ito, parang gustong pumatay ng tao. Iha, ‘di mo ikakayaman ang ipinaglalaban mo. Walang ambag sa buhay mo. Magsaing ka kaya muna o maglaba? Para mas maging katuturan ang ginagawa mo?”

Dagdag pa niya, “Dami nang nagsalita ng masama sa akin, buhay pa rin ako, nagsusulat pa rin ako ng mga shows na alam kong hindi ko ikakahiya. Hindi ikaw ang Diyos, alam ng Diyos kung sino ako at ano ang nasa loob ko. Bruhang ito. Lols”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sey ng netizens, maaring “bitter” umano ang nasabing basher dahil maraming tumatangkilik sa MCAI at mataas ang nakuhang rating nito sa masa.

Narito ang komento ng netizens:

“Yeah, I know you can’t ignore their hatred towards you. Neither do I like you as what you are, I like your works regardless of what you are. I’m a fan ng mga obra mo, very notable naman kasi. Paghugutan mo lang sila ng inspirasyon. Dedma na ako sa mga kuda mo, your right anyway.”

“Patuloy lang sa pagsusulat Ma'am Suzette! Matatalino ang Pinoy hindi lang tayo pang Quiapo, Pang world class tayo. Salamat inyo. Mula noon at ngayon GMA 7 pa rin.”

“Di talaga ako nanunuod ng mga teleserye before, na-curious lang ako sa title before since napag-aralan namin and masasabi kong MCAI is one and only the best teleserye na napanood ko, ang swerte ng mga kabataang mapapanood at mas maiintindihan nila ang nobela dahil sa inyo.”

“Pag-inggit? Pikit!”

“Bakit ba sila galit na galit para lang sila may karapatan magsabi ng mga opinyon.”

“Hindi worth it patulan ‘yan madam, ang mga likha niyo ang kusang sasampal sa kanila hahaha. Congratulations ulit Ma'am @SuziDoctolero , kahit ano pang sabihin nila hindi nila mapapantayan yung nagawa niyo ngayon.”