Binigyang-diin ni Senador Robin Padilla na siya pa mismo ang mag-i-endorso sa United States movie na ‘Plane’ kung aalisin daw sa pelikula ang mga bahagi na nagpapasama sa imahen ng Pilipinas.

‘’When racism is present in a film and when our country is misrepresented, we have no choice but to defend our country and our people,” ani Padilla.

“This is true especially in my case, as chairman of the Senate Committee on Public Information and Mass Media.”

Ibinahagi rin ng senador na nakausap na niya ang distributor ng nasabing pelikula at pumayag umano itong alisin ang mga eksena at diyalogo na naglalaman ng “racist comments” sa Jolo, maging sa Pilipinas, Armed Forces of the Philippines, at gobyerno ng bansa.

“After the changes are made and are found to be satisfactory, I will watch and personally endorse the film,” ani Padilla.

Matatandaang inanunsyo noong Huwebes, Pebrero 23, ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson Diorella “Lala” Sotto na nagpadala ng sulat ang mga distributor ng ‘Plane’ na nagsasabing boluntaryo nilang pinu-pull out ang naturang pelikula sa Pilipinas.

BASAHIN: Hollywood movie na ‘Plane’, boluntaryong pinull-out ng distributors sa PH – MTRCB

Ang nasabing pag-pull out ay nangyari matapos pangakuan umano ng MTRCB si Senador Robin Padilla na hindi nito papayagang ipalabas sa bansa ang naturang pelikula na nagpapasama raw sa imahen ng bansa.

BASAHIN: MTRCB, nangakong pagbabawalang ipalabas ang ‘Plane’ sa Pilipinas – Sen. Robin