Hindi naitago ni Lebanon coach Jad El Hajj ang paghanga sa Gilas Pilipinas matapos matalo ng huli ang koponan nito sa FIBA World Cup Asian qualifiers sa Philippine Arena sa BulacannitongBiyernes.
"The last time, they played more as individuals. Today, they shared the ball. They played more as a team. They deserve it," reaksyon ni Hajj sa 107-96 na tagumpay ng Philippine team laban sa Lebanon nitong Pebrero 24 ng gabi.
Napansin din ni Hajj ang solidong performance ni naturalized player Justin Brownlee.
"He is not the type of player that just play one-on-one. He did an amazing job. They helped him a lot, especially that he has size. We know him. He played before in Lebanon in the league, three, four years ago. He is a great player. He likes to play with the team," komento nito.
Tampok sa nasabing laban ang 17 na tres ng National team, bukod pa ang mga slam dunks nina Brownlee at Jamie Malonzo.
Matatandaang pinataob ng Lebanon ang Gilas Pilipinas, 85-81, sa kanilang salpukan sa Lebanon noong Agosto 2022, sa kabila ng presensya ni 7'2" center Kai Sotto at NBA star Jordan Clarkson.