“EDSA People Power I is a demonstration of unity by the Filipino people against corruption and fascism.”

Ito ang naging sagot ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel sa mensahe ng pagkakaisa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Sabado, Pebrero 25.

Basahin: PBBM sa anibersaryo ng EDSA People Power: ‘I wish everyone a meaningful commemoration’

“If there is any divide during EDSA People Power, it is division between the Marcos family and their cronies on one hand, and the patriotic, peace- and democracy-loving Filipino people on the other hand,” ani Manuel.

National

‘Restitution first’: Guanzon, Lagman, sinagot ang ‘reconciliation’ ni PBBM

“The crimes of the Marcos family isolated them from the Filipino people and they were forced to flee the country after protests and people's movements ousted them from power,” dagdag niya.

Binahagi rin ni Manuel na hindi magkakaroon ng pagkakasundo hangga’t hindi aamin at hihingi ng tawad ang pamilya Marcos sa mga krimen umano na nagawa nila sa bansa.

“There will be no reconciliation as long as the Marcos family continues to deny their crimes and refuse to apologize; distort history and spread false versions; fail to pay taxes correctly and hold on to remaining ill-gotten wealth,” ani Manuel.

Sa tala ng Amnesty International, tinatayang mahigit 70,000 ang mga kinulong, 34,000 ang mga tinorture, at 3,200 ang pinatay noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

Taong 1986 ng Pebrero 25 nang magwakas ang diktadurya ni Marcos matapos magmartsa ang libo-libong mga Pilipino sa EDSA. Pinalitan naman sa pwesto ng pagkapangulo si Marcos ni dating Pangulong Corazon Aquino na sumumpa noong araw ding iyon.