Wala pa mang direktang tweets o pahayag, niretweet naman ni "Dirty Linen" star Janine Gutierrez ang ilang posts ng netizens patungkol sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Pebrero 25.
Matatandaang isa si Janine sa mga celebrity na nagpahayag ng kaniyang pagsuporta at panawagang huwag kalimutan ang mga aral na dulot ng "bloodless revolution" na nagpatalsik sa mahabang pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Sa katunayan, nagpakawala siya ng matapang na tweet noong nakaraang taon, lalo't kasagsagan iyon ng kampanya sa pagkapangulo ng bansa.
"On the 36th anniversary of the people power revolution, let's all spend some time reading about it. Google it. Talk to your family about it. And if you know anyone who marched on the streets for our freedom, please say thank you," aniya.
Dagdag pa niya, "We promise to #NeverForget ?? #EDSA36."
Ang #NeverAgain ay ginagamit na hashtag upang kondenahin ang alaala ng Martial Law at ng Pamilya Marcos.
Ngayong "EDSA 37," niretweet ni Janine ang tweet ng isang netizen na nagngangalang "Kristoffer Pasion" na may ganitong pahayag: "#TodayinHistory in 1986, Marines broke thru Camp Aguinaldo's east wall, but hesitated due to civilian buffer. Soon, PH Air Force's 15th Strike Wing hovered. Crowd expected an attack but the airmen joined the crowd. Marcos issued kill order but it was not obeyed. THREAD. #EDSA37."
Niretweet din niya ang post ng isang "Abbey Pangilinan."
"I will never get tired of sharing my EDSA story. My mama just found out she was pregnant with me and she still decided to join a protest in front of PTV 4. They got hit by water cannons during dispersal. Kaya tuwing may ipinaglalaban at sinasabi ko na pagod na ako my mama will always say 'Huwag ka panghihinaan ng loob, nasa tiyan pa lang kita lumalaban ka na.'"
"Yan ang pressure ng pagiging literal na EDSA baby," mababasa pa rito.