“Together, as one nation, let us go forth to transform this poor and unjust country into a Philippines that is, truly and finally, for all Filipinos.”

Ito ang pahayag ni Senador Imee Marcos sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw, Pebrero 25, kung kailan napatalsik sa puwesto ng pagkapangulo ang kaniyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr..

“The events of Feb. 25, 1986, 37 years ago, changed our minds, hearts, and lives in ways too many to mention,” ani Marcos.

‘’Beyond the fleeting euphoria of ‘People Power’, we must learn our lessons well: That neither a peaceful relinquishment of power, nor what might have been brutal military adventurism, nor the endless clashes of elites behind the scenes has fulfilled the promise of change for millions of Filipinos who are still living in squalor and insecurity, ignorance and hunger,’’ dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Binisita rin ngayong araw ng senador ang puntod ng kaniyang amang si dating Pangulong Marcos.

“Ang aking pamilya ay hindi kailanman kinapos sa paghiling ng kapayapaan, paghilom at pag-usad,” ani Marcos.

Matatandaang taong 1986 ng Pebrero 25 nang mag-aklas ang libu-libong mga Pilipino sa EDSA at tagumpay na napatalsik si dating Pangulong Marcos.

Sa tala ng Amnesty International, tinatayang mahigit 70,000 ang mga kinulong, 34,000 ang mga tinorture, at 3,200 ang pinatay noong panahon ni Marcos.