Inabangan ng lahat ang finale episode ng hit teleseryeng "Maria Clara at Ibarra" nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 24, na hindi lamang panalo sa TV ratings kundi sa multiple trends.

Sa dulo ng serye ay muling "nagbalik" sina Ibarra at Maria Clara (Dennis Trillo at Julie Anne San Jose) sa ibang katauhan nga lamang at tunay na tao sa present times, bilang mga guro sa isang pampublikong paaralan. Kaanak ang karakter ni Dennis ni Mr. Torres (Lou Veloso) na siyang nagpapasok kay Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kaya nakilala niya si Fidel (David Licauco).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/GMADrama/status/1629095486933049344

Ang kinakiligan naman ng lahat ay nang muling makaharap ni Klay si Fidel, matapos itong makapunta at sundan siya sa present times.

Kinilig ang avid fans ng "FiLay" dahil hindi "reincarnated" Fidel ang naging "endgame" ni Klay kundi ang mismong Fidel na nakilala niya sa loob ng paglalakbay niya sa Noli at El Fili.

https://twitter.com/GMADrama/status/1629101103517138944

Anyway, sigaw ng FiLay fans, sana raw ay magkaroon ng karugtong ang MCI, dahil may nobelang sinasabing karugtong ng El Filibusterismo matapos makuha ang mga alahas at kayamanan ni Simoun na itinapon sa dagat ni Padre Florentino. Ito ay ang nobelang "Mga Ibong Mandaragit" na isinulat ng bilanggong politikal na si Ka Amado V. Hernandez.

Pero speaking of FiLay, maugong ang tsikang magkakaroon na kaagad ng follow-up serye sina David at Barbie habang malakas pa ang hatak ng kanilang tambalan, na isa sa mga nadiskubre at nabuo ng GMA, salamat sa magandang proyektong kagaya ng MCI.