SAN ANTONIO, NUEVA ECIJA - Arestado ang tatlong drug personality at nalansag ang isang makeshift drug den matapos ang entrapment operation sa Barangay Buliran, bayan ng San Antonio noong Sabado ng madaling araw, Pebrero 25.

Kinilala ng PDEA ang mga naarestong suspek na sina Gerwin Mamaril 30; Jayson Mamaril 27, at Darwin Joson, 35, pawang taga Brgy. Buliran, San Antonio, Nueva Ecija.

Narekober mula sa mga suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit kumulang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 102,000.00; samu't saring drug paraphernalia; at ang marked money.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Nueva Provincial Office at ng lokal na pulisya.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang isasampa laban sa mga naarestong suspek.