Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa mga online job scammer matapos mailligtas ang walong Pinoy na naging biktima nito sa Cambodia kamakailan.

Sa pahayag ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo José de Vega, na-rescue ng CambodianNational Police ang walong Pinoy sa Ouddar Meanchey at Kampot, parehong lalawigan sa Cambodia.

Dahil na rin aniya sa tulong ng Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh, nakauwi na sa bansa ang walong Pinoy nitong Pebrero 25 ng madaling araw.

Aniya, hihingan nila ng tulong ang mga bansang miyembro ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) upang matigil na ang nasabing panloloko.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon

Binalaan din nito ang mga turista na hindi maaaring magtrabaho sa Cambodia dahil wala silang work permit.

"Jobseekers should apply only through the Philippine Overseas Employment Administration or licensed recruitment agencies," paalala pa ng DFA.