Hindi na mahihirapan ang mga humihingi ng tulong sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa panibagong sistemang ipatutupad ng ahensya.
Inihayag ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, bibigyan na lamang nila ng "appointment" ang mga hihingi ng tulong upang hindi na mahirapan.
"Kasi may pipila na naman dyan for the day after, lahat may appointment, ibig sabihin kung 700 'yung kaya namin i-process, bibigay natin ';yung 700 na QR stub, kapag naubos 'yung 700, may nakapila pa, will do another 700 for another week," pahayag ng kalihim.
Bago aniya mabigyan ng appointment stub ang mga nakapila ay isasailalim muna sila sa verification process para masiguro na kumpleto ang kanilang dokumento.
Tiniyak naman ng opisyal na hindi mapepeke at magagamit ng ibang tao ang stub dahil ito ay may QR code