Kamakailan lamang ay isinapubliko ng aktres na siya ay mayroong imposter syndrome sa isang episode noong Biyernes sa "Fast Talk with Boy Abunda."

https://youtu.be/14Z1lZqOCLs

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang imposter syndrome ay ang patuloy na pagdududa sa sarili at kawalan ng kakayahan sa mga mga nagawa. Nararamdaman nila na hindi sila sapat o matalino gaya ng iniisip ng iba.

Ibinahagi ng aktres kay Tito Boy sa isang panayam na nahihirapan siyang paniwalaan na maganda siya dahil sa kaniyang imposter syndrome.

"Kasi syempre dati ang taba-taba ko, tapos parang kapag sinasabihan akong pumayat kahit anong gawin ko hindi ako pumapayat. So, hindi nawala sakin yung takot na ganon. So ngayon parang kahit anong sabihin mo sakin na maganda ako, weh? Okay ka lang ba?" saad ng aktres.

Aniya, hindi niya pinapanood ang sarili sa telebisyon hindi lang dahil nahihirapan siya kundi dahil may nangyari sa kaniya noon na hindi na ikinuwento ng aktres.

Sa kabilang banda, unti-unti na raw itong nagbabago dahil sa kaniyang asawa na si Norman Crisologo.

"But because of Norman, I started to see that I am beautiful. He makes me feel beautiful. My therapist is my husband. He’s the best," anito.

Dagdag pa rito, ikinuwento rin ng aktres na ang pag-eehersisyo at paglalaan ng oras sa kaniyang sarili ay kabilang sa mga bagay na ginagawa niya upang mapanatili siyang grounded at kasama rin ito sa kaniyang recovery.