Ngayon, ipinagdiriwang ng bansa ang ika-37 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, ang serye protesta noong 1986 na nagpabagsak sa mahabang panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Ayon sa ulat, sinasabing libo-libo ang naitalang namatay sa ilalim ng rehimen kabilang na ang mga mamamahayag na walang takot na bumatikos at pumuna sa kaniyang pamamahala.

Bukod pa rito, ang pagpaslang sa pinuno ng oposisyon na si Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. ay isa sa mga hindi malilimutang pangyayari na nagdulot ng malaking pagbabago sa pag-iisip ng mga Pilipino at dito nagsimula ang sigaw para sa demokrasya.

Kung kaya't narito ang ilang detalyeng kailangan mong malaman tungkol sa EDSA Revolution:

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Malaki ang naging papel ng media sa demokrasya

Isang mensahe na ipinalabas sa Radio Veritas, isang istasyon ng radyong Roman Catholic na pag-aari at pinamamahalaan ng Archdiocese of Manila. Bandang alas-9 ng gabi. noong Pebrero 22, hinimok ni Cardinal Sin ang mga Pilipino na pumunta sa seksyon ng EDSA sa pagitan ng Camp Crame at Aguinaldo bilang suporta sa mga pinuno ng rebelde.

Sa kabila ng pag-aalinlangan ng publiko, marami pa rin ang nagtungo sa mga lansangan at nakilahok sa demonstrasyon.

Ang Radio Veritas ay naging tulay para sa komunikasyon para sa mga taong sumusuporta sa mga rebelde, na nagpapaalam sa kanila ng mga paggalaw ng estado at naghahatid ng mga kahilingan para sa pagkain, gamot, at mga suplay. Dahil dito, pinuntirya ng tropa ng gobyerno ang istasyon at sinira ang kanilang 50-kilowatt main transmitter.

Kahit na sila ay natunton, noong Pebrero 23, nagawa ng mga broadcaster na pumunta sa isa pang undercover na lokasyon at ipagpatuloy ang mga ulat para sa natitirang bahagi ng pag-aalsa sa ilalim ng pangalang Radio Bandido.

Ang EDSA revolution ay tumagal ng apat na araw

Libo-libong tao, mula sa iba't ibang antas ng pamumuhay, ang nagtipon at ipinakita ang suporta sa kahabaan ng Epifanio de Los Santos Avenue o (EDSA) sa Metro Manila.

Pebrero 22 ang simula ng pag-aalsa. Daan-daang libo, kabilang ang mga pari at madre, ang nag-vigil pabalik sa EDSA noong gabing iyon.

Sa sumunod na dalawang araw, dumami ang mga taong nagpakita sa EDSA. Milyun-milyong tao ang naglalakad at nanalangin nang sama-sama sa kahabaan ng EDSA.

At noong Pebrero 25, idineklara si Aquino bilang Pangulo ng Pilipinas at ng gabing din iyon ay tumakas si Marcos sa bansa.

Nauso ang L hand sign

Ang simbolo ng L na kamay ay ginawa sa pamamagitan ng pagpapalawak ng hinlalaki at pagturo ng hintuturo ito ay para sa mga Pilipino, kumakatawan sa "laban", at ito'y naging sikat na hand gesture ng mga nagprotesta noong People Power Revolution.

Dagdag pa rito ito rin ang acronym para sa Laban ng Bayan, isang political coalition na binuo ni dating senador Benigno Aquino Jr noong 1978.

Itinuturing bilang isang “bloodless revolution”

Ang pinag-isang kilusan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng awit, mga islogan, pagkauso ng Laban sign at barikada ng mga tao ang sinasabing nagwakas sa mahabang pamamahala ni Marcos at nagpaalis ng kaniyang pamilya sa Palasyo.

Nang magsimulang pumasok sa Palasyo ang mga tao, mabilis silang binalaan ng mga pari na huwag maging marahas. Ang pakikilahok ng mga relihiyosong tao at ang makatuwirang pag-iisip ng publiko ay nagtulak para sa mapayapang rebolusyon.

Dahil dito, naging simbolo at impluwensya rin ang EDSA People Power para sa ibang bansa. Nagsimula ito ng mga pag-aalsa laban sa mga diktadura sa Asya. Ang "bloodless revolution" ng Pilipinas ay nagbigay-inspirasyon sa mga pag-aalsa sa ibang mga bansa sa buong mundo.