Naniniwala si dating Bise Presidente Atty. Leni Robredo na ang EDSA People Power Revolution ay hindi tungkol sa kulay o apelyido kundi sa tapang ng mga Pilipinong nakikibaka para sa kalayaan.

Sa isang tweet, sinasabi ni Robredo na naging inspirasyon ang tagpong iyon sa buong mundo.

"Sa paggunita sa 1986 People Power Revolution, ating balikan ang diwa na naging inspirasyon sa daigdig noon. Labas sa kulay at apelyido, sumubaybay ang mundo sa tapang ng nagkakaisang taumbayan," ani Robredo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/lenirobredo/status/1629280801736245248?s=20

"Naging tanglaw ang Pilipinas sa iba na magsimula ng kanilang makasaysayang paglaya," dagdag pa niya.

Samantala, matatandaan na sa survey na isinagawa ng Survey ng Social Weather Station (SWS), ilang araw bago ang ika-37 taong anibersaryo ng 1986 People Power Revolution, 62% ng mga Pilipino ang naniniwala na nanatili at buhay pa ang diwa ng People Power.

Naniniwala naman ang 57% na mga Pilipino na mahalaga pa riin na gunitain ang kaganapan na ito.