Matapos mapabalitang may remake ang "Handog ng Pilipino sa Mundo" na isinulat ng singer-songwriter na si Jim Paredes para sa paggunita sa EDSA People Power Revolution, muli na namang naungkat ng mga netizen ang pagiging bahagi ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga sa version nito noong 2011, kung saan naka-upload sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ang recording sessions nito.
Ibinahagi rin sa isang Facebook page na "Cinema Bravo" ang screensgots ng bahagi ni Toni kasama ang iba pang Kapamilya singers/artists.
"Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan, Ay kayang makamit na walang dahas," bahagi ni Toni sa naturang awitin.
Sa comment section nito at maging sa YT channel ay muli na namang naungkat ng netizens ang pagsuporta ni Toni sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos, anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.
Sey pa ng mga netizen, tila pinanindigan daw ni Toni ang pagiging "My Amnesia Girl." Ito ang pamagat ng kauna-unahang pelikulang pinagtambalan nila ni John Lloyd Cruz noong 2010 sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento:
"My Amnesia Girl! Hahaha."
"That's my amnesia gurl!"
"Totoo ba Toni Gonzaga?"
"Toni has been reduced to a meme material. She had no one to blame but herself."
May mga nagtanggol din naman kay Toni dahil matagal na panahon pa raw ang pinag-uusapan dito, at "baka nagising" na raw siya sa katotohanan.
"Baka naman kasi nagising na siya ngayon! At yung mga kumukutya sa kaniya tulog pa rin! Ge, matulog kayo hangga't gusto n'yo. Puwede rin wag na kayong gumising. RIP in advance. Mauna na ako magsabi sa inyo ng RIP hangga't nababasa n'yo pa."
"Ay ungkatan ng past? Tigilan na natin si Toni. Nanalo na si PBBM."
"Matagal na panahon na 'yan, jusko. Move on na!"
"Hayan na naman po ang mga kakampuwet… tigilan na sana si Toni!"