TACLOBAN CITY – Papasinayaan ni Olympian Margielyn Didal ang bagong itinayong Margielyn Didal Skate Park sa Baybay Beach sa Surf City sa Borongan City sa Sabado, Pebrero 25.

Magsasagawa si Didal at ang National Skateboarding Team ng libreng clinic para sa lahat ng skateboarders sa Eastern Samar sa Sabado.

Ang Margielyn Didal Skate Park ay ang unang skate park sa Samar Island at nag-ambag siya sa disenyo nito.

Si Didal ay idineklara bilang adopted citizen ng Borongan City noong Disyembre 6, 2021 sa pamamagitan ng Sangguniang Panlungsod Resolution No. 54 na pinamagatang “Declaring Margielyn Didal as an Adopted Citizen of the City of Borongan.”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ang resolusyon ay nagsabi, bukod sa iba pa, na si Didal, isang kilalang Pilipinong atleta, ay sumabak sa isang international skateboarding competition, at nag-uwi ng mga gintong medalya at karangalan.

Ang Cebuana skateboarder, idinagdag nito, “nakuha ang puso ng mga Pilipino at naging inspirasyon sa mga batang atleta; siya ay nagpapakita ng kakanyahan ng isang Pilipinong atleta at isang huwaran sa lahat ng kabataang indibidwal sa pagtataguyod ng mga pagpapahalaga ng isang tunay na mamamayang Pilipino.”

Marie Tonette Marticio