Isang bagong bersyon ng awiting "Handog ng Pilipino sa Mundo" ay inilabas ng OPM icon na si Jim Paredes bilang paggunita sa ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Tampok sa kanta ang mga orihinal na mang-aawit nito kasama ang mga millennial artist.

Kasama sa pinakabagong bersyon sina Paredes, Boboy Garovillo, Noel Cabangon, Leah Navarro, Pinky Marquez, The Company, Celeste Legaspi, Bituin Escalante, Bayang Barrios at Mitch Valdez.

Bukod sa mga beteranong mang-aawit, kasali rin sa remake ang magkapatid na Magalona na sina Elmo at Arkin; theater artists na sina Gab Pangilinan, Bodjie Pascua, Raul Montesa and Audie Gemora; drag queens Precious Paula Nicole, Brigiding, at Tita Baby.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“A remake of the iconic EDSA anthem of 1986 written by Jim Paredes. This time old veterans and millennials do the song with a modern arrangement, video treatment, and a fresh new rendition with a rap portion," caption ni Jim Paredes sa kaniyang YouTube channel.

Ang "Handog ng Pilipino sa Mundo" ay orihinal na inilabas taong 1986 upang ipagdiwang ang walang dugong rebolusyon na nagpatalsik sa dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr.