Patuloy na inspirasyon ang “Triangle of Sadness” star na si Dolly de Leon, isang alumna ng Speech Communication and Theatre Arts Department ng University of the Philippines Diliman.

Noong Miyerkules, Peb. 22, agkilala sa pamamagitan ng isang Facebook post ang iginawad sa “artista ng bayan.”

“Ipinagmamalaki at pinagpupugayan ng UPD CAL Student Council at ng komunidad ng KAL si Ms. Dolly de Leon, isang alumna ng BA Theater Arts sa Department of Speech Communication and Theatre Arts ng UP Diliman, sa kanyang mga natanggap na parangal at nominasyon para sa pelikulang Triangle of Sadness,” mababasa sa post ng UP Diliman College of Arts and Letters Student Council.

Kabilang sa mga kumilala sa husay ni De Leon sa natatangi niyang pagganap sa materyal ang Los Angeles Film Critics Association, Middleburg Film Festival, Guldbagge Awards, North Dakota Film Society at National Society of Film Critics.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nominado rin ang premyadang aktres sa parehong supporting role performance sa “Triangle of Sadness” sa British Academy Film Awards, at Golden Globe Awards.

“Isa kang inspirasyon para sa komunidad ng KAL, UP, at lahat ng mga Pilipinong alagad ng sining, partikular na ng mga taong pelikula. Ibinandera mo ang galing ng isang Pilipinong artista!” anang konseho.

Taong 1995 nang magtapos sa UPD si De Leon.