ILOILO CITY– Nahawaan na rin ng African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa lalawigan ng Capiz.

Sa isang liham sa pamahalaang panlalawigan ng Capiz, sinabi ni Department of Agriculture (DA)-6 (Western Visayas) Director Jose Albert Barrogo na ang resulta ng pagsusuri mula sa Regional Animal Diseases and Diagnostic Laboratory ay nagkumpirma na apat na baboy sa Barangay Canapian sa munisipalidad ng Ma-ayon ang may ASF.

Tiniyak ni Barrogo kina Gobernador Fredenil Castro, Dr. Leonel Abordo ng Capiz Provincial Veterinary Office, at Ma-ayon Mayor Raymund Malapajo na makikipag-coordinate ang DA-6 para masugpo ang pagkalat nito.

Samantala, iminungkahi ng DA-6 ang pagpapatupad ng mga protocol sa mga apektadong lugar tulad ng quarantine at mga hakbang sa pagkontrol sa sakit, pag-cull at pagtatapon ng lahat ng natitirang baboy, contact tracing, at field surveillance at pagkolekta ng sample sa lahat ng sakahan at kabahayan na may mga susceptible na hayop sa loob ng isang kilometrong quarantine zone mula sa nahawaang lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang Capiz ang ikatlong probinsya sa Kanlurang Visayas na may mga kaso ng ASF pagkatapos sa Iloilo at Guimaras.

Tara Yap