Umuwing may gintong medalya si Juliana Marie Beatriz Gomez, na mula sa Unibersidad ng Pilipinas, matapos itong magwagi sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) tournament for epee fencing.

Si Juliana, 22, na anak nina Richard Gomez at Lucy Torres, ay nanalo kontra kay Cyrra Vergara ng De La Salle University.

Sa Instagram post, hindi naman pinalagpas ni Richard na batiin ang anak nitong UAAP champion.

"I am so proud of you @gomezjuliana ! You are now uaap champion!!!" ani Richard.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

"Hard work and understanding of the game has set in. I love you ‘day!"

Matatandaan namang na taong 2021 nang sumabak si Juliana sa Philippine Fencing Association at Southeast Asian Qualifying Games at nagtapos sa ikatlong puwesto.

Noong Nobyembre 2022, nanalo siya sa Air Force Open Fencing Championship sa Thailand. Disyembre sa parehong taon, naiuwi niya ang ginto sa West Java Fencing Challenge sa Indonesia.

Samantala, si Richard ay presidente ng Philippine Fencing Association.