CAMP DANGWA, Benguet – Binunot ng mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office ang mahigit ₱105 milyong halaga ng marijuana mula sa anim na plantation site sa magkahiwalay na marijuana eradication sa dalawang barangay sa bayan ng Tinglayan, Kalinga, noong Pebrero 18-20.

Sa unang marijuana eradication noong Pebrero 18, dalawang malalaking plantation sites ang nadiskubre ng pulisya sa Barangay Tulgao West, Tinglayan, Kalinga.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa unang plantation ay pinagbubunot ang kabuuang 500,000 fully grown marijuana plant na may halagang₱100,000,000, samantala sa ikalawang plantation site ay may kabuuang 14,000 FGMJP na may halagang P2,800,000.

Sa kabuuan ay 514,000 FGMJP ang nakatanim sa may 6,800 sqm land area, na may kabuuang halagang₱102,800,000.

Sa ikalawang araw na operation, apat na plantation sites ang nadiskubre sa Barangay Buscalan, Tinglayan, Kalinga, na may kabuuang 11,900 FGMJP ang pinagbubunot mula sa 1,700 square meter communal forest land, may kabuuang halagang₱2,380,000.00.