As usual ay trending na naman ang mga huling eksena at episodes sa papatapos na mega hit drama-fantasy series na "Maria Clara at Ibarra" na may dalawang gabi na lamang ngayong linggo.
Marami ang humanga sa eksena ng pagsaludo ni "Klay," ginagampanan ng Kapuso actress na si Barbie Forteza, sa monumento ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal sa Luneta (Rizal Park) sa Maynila.
Ngunit marami rin ang naimbiyerna sa hindi pagkakaiwas na makita sa eksena ang tinaguriang "pambansang photobomber" o malaking gusali sa likod ng bantayog ng pambansang bayani, ang "Torre De Manila," na naitayo noong 2012 at naging kontrobersiyal dahil nga sa pagiging sagabal nito sa magandang view o panorama sa tuwing kinukuhanan ng litrato ang rebulto ni Rizal.
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"Panira talaga yung building sa likod."
"Sino ba kasi nag-approve niyang building sa likod?"
"Wala na po tayong magagawa nakatayo na po 'yan eh. Ang tanging maihahabol ng LGU diyan ay magbayad ng tamang realty tax. Kahit sabihan man 'yan na walang masyadong bibili ng unit 'yan dapat magbayad pa rin ng tax."
"Rizal monument sa building na nasa likod: 'ABA SUMASAPAW."
"Bakit di na lang pinturahan ng Philippine flag yung building? Panira sa view!"
"Sadly, hindi na maaalis yung photobomber hehe."