Nakarating sa kaalaman ni Darryl Yap, direktor ng 'Martyr or Murderer," ang tungkol sa Facebook post ng kilalang Kakampink at anti-Marcos na si "Atty. Jesus Falcis," na naglalaman ng kaniyang review sa pelikulang "Ako Si Ninoy" na idinerehe ni Atty. Vince Tañada.

Sa kaniyang mahabang Facebook post, binigyan ni Falcis ng 1 over 5 rating ang naturang pelikulang pinagbibidahan ni singer-actor JK Labajo bilang si dating senador Ninoy Aquino.

Ibinahagi ni Yap ang screengrab ng bahagi ng FB post ni Falcis at kinomentuhan.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

"Lagpas sampung kaibigan na ang nagsend sa akin ng Movie Review ni Jesus Falcis tungkol sa pelikulang napanood niya.

Nagulat ako, na parang napuri niya ako at ang dalawang pelikula ko nang hindi niya sinasadya," ani Yap.

"Pinagsabihan ako ng mga kaibigan ko na wag kong i-share ang kaniyang review, kaya nag-screenshot na lamang ako. Ayaw ko rin mag-share ng panlalait ng isang kakampink sa pelikulang ginawa para pagkakitaan sila."

"Pero talagang mapapaisip ka, itatanong mo sa sarili mo kung kumusta si Xiao Chua, yung Goldwin Reviews at yung FAMAS,

kumusta yung kredebilidad."

"Walang halong kaplastikan, kahit pa kung anu-ano ang sinabi nilang lahat sa #MIM, hindi ko kayang ibalik ang lait sa mga yan, kasi malinaw sa akin na lahat ng proyekto ay pinaghihirapan."

Kaya mensahe niya para kay Falcis, "Kaya magrereact na lang ako sa sinabi ni Falcis na 'NAKAKATAKOT ANG TRAILER NG #MARTYRorMURDERER.' Hi Mr. Falcis, mas matakot ka sa buong pelikula."

Wala pang reaksiyon o tugon si Falcis tungkol dito.