Posibleng kasuhan si Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban dahil sa importasyon ng asukal kamakailan.
Ito ang binanggit ni Senator Risa Hontiveros nitong Huwebes kasunod na rin ng pahayag ni Panganiban na minadali nila ang pag-aangkat ng asukal matapos aminin na ipinalagay niyang "sugar order" ang memorandum na inilabas ng Office of the Executive Secretary.
Kinuwestiyon din ng senador ang sinasabing pagpili ng DA ng mga kumpanyang aangkat ng asukal mula sa Thailand dahil pinagmumulan ito ng kartel.
Tinukoy ng senador ang mga kumpanyang Sucden Philippines, Inc., Edison Lee Marketing Corp., at l Asian Countertrade Incorporated. Ikinonsidera rin ni Hontiveros na economic sabotage ang pg-aangkat ng 450,000 metriko toneladang asukal.
"Ayon sa batas, sa Anti-Agricultural Smuggling Act, bawal ang pagpasok sa bansa ng asukal na hindi bababa sa P1,000,000 ang halaga, at walang tamang permit," pagdidiin nito.
"Kaya sa pag-amin kahapon ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na sila angnamiliat nag-utos sa tatlongkumpanyana mag-import, sana ay handa silang humarap sa mga seryosong kasong kriminal at administratibo," lahad ng senador.
Sinabi rin ng senador na tanging ang Sugar Regulatory Administration (SRA) lamang ang may kapangyarihang maglabas ng permit at lisensya katulad ng sugar order upang umangkat ng asukal at hindi si Panganiban.
Nauna nang inihayag ni Panganiban na layunin ng pag-aangkat ng produkto na mapababa ang presyo nito sa merkado.