Kahit isang kakampink at anti-Marcos, hindi nagustuhan ni Atty. Jesus Falcis ang pelikulang "Ako Si Ninoy" ni Atty. Vince Tañada.

Sa isang mahabang Facebook post nitong Huwebes, Pebrero 23, inilabas niya ang kaniyang review sa pelikula. Binigyan niya ito ng kabuuang 1/5 stars.

"Movie: AKO SI NINOY

Review: THE FILM BLEW MY MIND. To smithereens. It was so smart and mind-blowing that I didn’t get it.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Rating: 1/5 stars," paunang pahayag ni Falcis.

Sumunod dito, inilatag ang buong detalye ng kaniyang review sa nasabing pelikula.

"Baka ako yung bobo. But here’s why it blew my mind: It doesn’t have a message. Ninoy Aquino is a hero, yes. But the movie keeps telling that. It doesn’t show it. We already know Ninoy is a hero. But why? I thought it was basic to know that when persuading people, show; don’t tell," saad ni Falcis.

Binanggit din niya na ang tungkol sa kawalan ng presentasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pelikula. Ani Falcis, hindi raw naiintindihan ng pelikula na walang "Ninoy Aquino" kung walang "Ferdinand Marcos."

"The film’s biggest problem is it didn’t have balls. There was no presentation of Ferdinand Marcos Sr. What the film doesn’t understand is that in history, you won’t have a Ninoy Aquino without a Ferdinand Marcos. They are like Batman and Joker. A hero needs a foil. A hero is made, not born. But the movie just wants to keep telling (so boringly and repetitively) that Ninoy is a hero and that he is destined to be a hero," aniya.

Kahit isang kakampink at anti-Marcos, hindi nagustuhan ni Falcis ang kabuuan ng pelikula. May binanggit din siya sa trailer ng "Martyr or Murderer" ni Darryl Yap, na perspektibo naman ng mga Marcos.

"I really wanted to like the film. But objectively, even as a kakampink and staunch anti-Marcos, I can’t. Nakakatakot ang trailer ng Martyr or Murderer. Trailer pa lang, it looks more coherent and more effective in its messaging."If all we’ll have is Katips and ASN, the Marcoses will completely rehabilitate their name in time."

Sa dulong bahagi ng kaniyang review, "mega cringe at delusional" daw ang ending ng Ako Si Ninoy na tungkol sa isang Ninoy-inspired na bata na magiging presidente sa taong 2052.

Hindi inirerekomenda ni Falcis na panoorin ang pelikula dahil sayang ang pera lalo't mahal pa umano ang ticket.

"Ako Si Ninoy’s ending scene of a Ninoy-inspired kid becoming President in 2052 is MEGA CRINGE and delusional. Ako Si Ninoy is not helping any inch to make that a reality."I watched it so you don’t have to. Don’t. Sayang pera. Mahal ang ticket."

Habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Atty. Vince hinggil sa naging review ni Falcis.