Nagbigay ng kabuuang ₱2 bilyong halaga ng medical assistance ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mahigit 255,000 pasyente noong 2022.

“This is in line with the continuing efforts of President Ferdinand R. Marcos Jr. to enhance and strengthen the country’s health care system, and sustain the gains achieved in 2021 to fully reopen the economy,” ayon kay PCSO chairperson Junie Cua, sa isang pahayag nitong Miyerkules.

Batay sa inilabas na 2022 accomplishment report ng PCSO, nabatid na kabuuang 255,520 indigents at financially incapacitated individuals ang natulungan ng PCSO at nakinabang sa may₱2.012 bilyong pondo sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP) noong 2022.

“True to our mission of providing responsive assistance to eligible recipients and beneficiaries, the PCSO has helped hundreds of thousands of poor patients deal with costly medical expenses incurred from treatment or confinement,” ani Cua.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang naturang kabuuang halaga ay binubuo umano ng regular MAP sa pamamagitan ng mga tanggapan ng PCSO, kung saan 210,731 beneficiaries ang nakakuha ng₱1.395 bilyong tulong, at ng Medical Access in Malasakit Centers (MAM), kung saan nasa 44,789 beneficiaries naman ang nabigyan ng₱617.3 milyong assistance.

Ani Cua, ang pinakamataas na bilang mga requests for assistance na natanggap ng PCSO ay para sa gastusin sa confinement na may 131,754 requests (₱1.28 bilyon), na sinundan ng erythropoietin (dialysis injection) na may 84,535 requests (₱337 milyon), at 23,624 requests para sa chemotherapy drugs (₱241.8 milyon).

Ang iba pa namang sakop ng programa ay ang specialty medicines, hemodialysis, laboratory (blood chemistry), diagnostic, and imaging procedures, at implant/medical devices.

“Maaasahan niyo po na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos, ang PCSO ay laging handa sa pagtulong sa kapwa. Inaasahan po natin na sa mga darating na panahon, mas marami pa ang ating matutulungan sa pamamagitan ng mga innovations na magpapabilis sa paghatid ng mas epektibong serbisyo sa ating mga kababayang nangangailangan,” pagtiyak naman ni Cua.